Puwede ka pumili ng isa sa mga sumusunod na pangunahing mga function mula sa side-menu sa pamamagitan ng pagpindot ng icon na nasa itaas na kaliwa:
Ipakita ang kasaysayan ng paggamit ng app (Kasaysayan ng paggamit)
Alam mo ba kung ilang beses mo nilalaan ang oras mo para sa Facebook? Alam mo ba kung anong oras mo binubuksan ang Facebook o E-Mail sa isang araw? Alam mo ba kung ano ang kabuoang oras na nilalaan po sa paggamit ng isang app? Ang function na ito ay naglilista ng oras ng paggamit mo ng iyong mga apps sa iyong gustong pagkakasunud-sunod. Ang impormasyon na ito ay nakatutulong upang iyong matignan kung anong apps ang dapat na iyong i-uninstall sapagkat di mo ito ginagamit. Maari mo din itong gamitin upang bantayan mo ang ibang tao kung anong app ang kanilang ginagamit (halimbawa: ang iyong anak, kaibigan).
Ang window na ito ay naglalaman ng Overview, Bar chart view, Timeline view and Detailed view na mga pananaw. Ang "Bar Chart View" ay nagpapakita ng pangaraw-araw na paggamit sa pamamagitan ng bar chart at ang "Overview" ay nagpapakita ng data sa pamamagitan ng calendar view. Maari kang pumindot ng araw upang makita ang mas masinsinang detalye ng paggamit ng app.
Upang maipakita ang paggamit ng app sa kada araw, maaring lumipat sa "Detailed view". Ang pagpindot ng app item ay maglilista ng mas madaming mga function na maari mong ipatupad. Maari kang magpakita ng mas madaming item sa isang view sa pamamagitan ng pagpapalitan ng haba ng haligi (MENU > Haba ng haligi).
Ang "Timeline view" ay nagpapakita ng oras kung kailan mo ginamit ang isang app at kung gaano mo katagal ito ginamit.
Kapag ang app ay tumakbo sa background, ang tagal ng pagandar nito sa background ay hindi madagdag sa iyong tagal ng paggamit.
Ang function na ito ay maaring hindi paganahin sa pamamagitan ng pagpunta sa Settings > App usage > App usage option.
Tignan ang kasaysayan ng telepono
Alam mo ba kung ilang beses mo ginagamit ang iyong telepono?
Ang window na ito ay naglalaman ng Bar chart view at Overview na mga pananaw. Ang "Bar Chart View" ay nagpapakita ng bilang ng beses mo tinignan ang iyong telepono habang ang "Overview" ay nagpapakita ng data sa gamit ng calendar view.
Ang function na ito ay maaring hindi paganahin sa pamamagitan ng pagpunta sa Settings > App usage > App usage option.
Alam mo ba kung gaano kadaming abiso ang iyong natatanggap sa isang araw? Alam mo ba kung anong mga app ang madalas na nagpo-post ng mga abiso? Ang function na ito ay nagpapakita ng dami ng abiso na iyong natatanggap sa kada araw. Ito rin ay nagpapakita ng oras kung kailan pinost ng app ang abiso.
Ang default na pagpipilian ay huwag subaybayan. Maari itong paganahin sa pamamagitan ng pagpunta sa Settings > App usage > Notification history option.
Alam mo ba kung gaano kadami na baterya ang nagagamit dahil sa mga app? Ang function na ito ay nagpapakita saiyo ng grapiko ng paggamit ng baterya sa mga nakaraang araw, pati na rin ang mga app na iyong ginamit.
Alam mo ba kung ilang apps at kung anong apps ang ginagamit mo sa isang lokasyon? Ang function na ito ay nagpapakita kung anong apps ang ginamit mo sa isang lokasyon at kung gaano katagal mo ginamit ang kada app sa lokasyon na iyon.
Subaybayan ang lahat ng mga install (Kasaysayan ng mga install)
Alam mo ba kung anong app ang na-install o na-uninstall ng di mo nalalaman? Alam mo ba kung gaano kadalas ang mga update ng isang app? Ang function na ito ay sumusabaybay at naglilista ng kasaysayan ng mga in-install at in-uninstall na mga apps sa iyong gustong pagkakasunud-sunod. Mas maginhawa para sa iyo na sumubaybay sa kung ilang apps ang na-u-update sa kada araw, at kung gaano kadalas nag-u-update ang isang app.
Ang pagpindot ng item ay maglilista ng mas madaming mga function na maari mong ipatupad.
Maari kang magpakita ng mas madaming item sa isang view sa pamamagitan ng pagpapalitan ng haba ng haligi (MENU > Haba ng haligi, o sa pamamagitan ng pinch-zoom gesture).
Nauubusan naba ng laman ang iyong app storage? Alam mo ba kung anong mga app and matagal mo nang di nagagamit? Maari kang magkaroon ng mas madaming laman sa iyong app storage sa pamamagitan ng pag-uninstall ng mga app, pero ano sa mga iyon ang bloatware? Ang function na ito ay nakatutulong upang ilista ang mga app sa pamamagitan ng pangalan ng app, tagal ng paggamit, oras ng pag-update o laki ng app, at pinapayagan ka na i-uninstall ang mga app ng mas madali at mas mabilis.
Ang window na ito ay naglalaman ng INSTALLED, UNINSTALLED and SYSTEM na mga pahina. Ang INSTALLED na pahina ay naglilista ng mga naka-install na app sa iyong gustong pagkakasunud-sunod, at pinapayagan ka na mag-uninstall ng mga apps na pinili mo.
Upang pumili ng apps, maari kang gumamit ng isa sa mga iba't-ibang paraan:
Pakibasa ang FAQ kung gusto mo paganahin ang "Root uninstaller" na function.
Ang pagpindot ng app ay maglilista ng mas madaming pagpilian para sayo.
Ang UNINSTALLED na pahina ay naglilista ng mga na-uninstall na mga app. Maari kang magbalik ng na-uninstall na app sa pamamagitan ng pagpindot, pagkatapos ay pindutin ang "View on Play Store" na menu item upang ma-install mo ito mula sa Play Store. Maari ka din mag-install ng grupo ng apps sa pamamagitan ng pagpindot ng matagal upang masimulan ang multi-selection mode.
Ang SYSTEM page ay naglilista ng lahat ng system(built-in) na mga app.
Maari kang magpakita ng mas madaming mga app sa isang view sa pamamagitan ng pagpapalitan ng haba ng haligi (MENU > Haba ng haligi, o sa pamamagitan ng pinch-zoom gesture).
Ang function na ito ay magpapaalala sayo kapag ikaw ay nagbibigay ng labis na oras sa iyong telepono o mga app. Maari mo itong paganahin o patayin sa pamamagitan ng pagpunta sa: Settings > Paalala sa labis na paggamit
Pagkatapos paganahin ang function na ito, pindutin ang "Apps" at piliin ang mga app na gusto mong mabigyan ng paalala.
Upang magtukoy ng ibang oras ng pagpapaala sa kada app, piliin ang app at pindutin ang pangalan ng app upang tukuyin ang oras.
Paalala sa bagong install na app
Ang function na ito ay magpapaalala sa iyo kapag may bagong install na app. Aabisuhan ka din tungkol sa digest ng mga app na ini-install araw-araw. Maari mo itong paganahin o patayin sa pamamagitan ng pagpunta sa: Settings > Paalala sa bagong install na app
Natututo ito sa kung paano mo ginagamit ang iyong telepono at nagrerekomenda ng iyong mga paborito na mga app upang mabuksan mo sila ng mas mabilis. Kapag mas ginagamit mo, mas gumagaling ito. Ang function na ito ay naglilista ng iyong pinakagamit na mga app o widget o system notification. Ang listahan na ito ay mag-u-update ng awtomatiko kada oras. Ito ay isang mas maginhawang paaran upang masimulan mo ang mga app na parati mong ginagamit. Paalala na ang function na ito ay gumagana lang sa mga Android 4.1+ na devices
Upang makita ang pinakagamit na mga app sa isang abiso, magpunta sa: Settings > Pinakagamit na apps > Abiso. Ang default na laki ng widget ng Pinakagamit na apps ay 2x1, maari mong palitan ang laki ng widget mula sa 1x1 hanggang NxN. Kung gusto mo magtanggal ng mga app mula sa listahan, magpunta sa: Settings > Pinakagamit na apps > I-edit ang mga di pinapansin na apps
I-edit ang Talaan
Ang function na ito ay pinapayagan ka na magdagdag ng kahit anong tala para sa kada app. Halimbawa: araw ng pagbili, order number o login account. Upang mag-add ng notes, pumindot ng app item at piliin ang "Add notes" mula sa popup menu.
Kumuha pa ng mas madaming impormasyon sa pamamagitan ng pagpindot ng About link.